PANOORIN | GINTONG ARAL SA PAGKAMIT NG GINTONG MEDALYA
Ang tagumpay ay hindi kailanman isang laban na mag-isa. Sa bawat pagtakbo, pagtalon, at pagsabak sa hamon ng laro, may mga kamay na laging nandiyan upang umalalay.
Sa bawat medalya, may pawis ng pagsisikap, may luhang pumatak, at may pusong hindi kailanman sumuko. Ngunit higit sa lahat, may mga taong hindi bumitiw. Sila ang mga magulang, mga tagapagsanay, at ang buong pamilyang SDOIN na walang sawang sumusuporta.
Matindi ang naging laban, maging ang pagsasanay. Nakita namin ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at matinding hangaring maiuwi ang tagumpay. Ang bawat galos, bawat patak ng pawis, at bawat segundo ng pagsisikap ay hindi kailanman nasayang. Sapagkat naaninag namin ang apoy sa inyong puso at ang hindi matitinag na determinasyong maging pinakamahusay, hindi lang para sa sarili kundi para sa lahat ng naniniwala sa inyo.
Ngunit sa bawat laban, hindi lang ang tropeo o medalya ang sukatan ng tagumpay. Ang bawat hakbang na inyong tinahak, ang bawat aral na inyong natutunan, at ang tapang na inyong ipinakita ay siyang tunay na panalo. Ang inyong pagsisikap ang nagsilbing inspirasyon at liwanag na magtutulak sa SDOIN upang patuloy kayong suportahan, pagbutihin pa ang mga programa, at gabayan kayo sa paglalakbay bilang mga atleta.
Sa dulo ng lahat, hindi ang gintong medalya ang pinakamahalaga kundi ang gintong aral na nakuha sa proseso. Hindi ang tropeo ang sukatan ng pagkapanalo kundi ang pusong hindi sumuko. Dahil ang tunay na tagumpay ay nasa pamilyang humubog sa inyo. Sa mga magulang na unang naniwala, mga coach na humasa sa inyong husay, at ang pamilya ng SDOIN na patuloy na magiging inyong sandigan sa bawat laban ng buhay.
MANALO, MATALO, SALUDO KAMI SA INYO!
🎥: SDOIN Media Team
#wethenorthwindbenders
#R1AA2025
#SDOINgreat
#TourEd
#INheritEd
(Feed generated with FetchRSS)